Home ENTERTAINMENT Pieta, ililibot ni Alfred sa buong mundo!

Pieta, ililibot ni Alfred sa buong mundo!

Manila, Philippines- Ramdam ni Alfred Vargas ang suporta ng mga Noranians sa pelikula nila ni Nora Aunor na Pieta.

Si Alfred ang producer ng pelikula.

Halos lahat kasi ng special screening ng nasabing pelikula ay sold out.

Sabi pa ng aktor at konsehal ng District 5 ng Quezon City, wala silang balak magpa-special screening, pero hinihingi raw ng Noranians.

“Ako, honestly, medyo nagulat ako sa clamor ng mga Noranians. May kanya-kanya palang chapter yan. Visayas, Mindanao. Merong U.S., Canada, Middle East, merong Europe, merong Italy.

“‘Yung iba, kahit hindi makapanood, gustong bumili ng ticket for the sake of ano….

“Grabe yung following ni Ate Guy talaga, Superstar Nora Aunor,” sabi ni Alfred sa isang interview.

Hindi pa niya masabi kung kailan ang theatrical screening ng Pieta, at gusto raw niya na sa sinehan ito mapanood kasama si Ate Guy.

Hindi pa kasi napapanood ni Alfred ang kabuuan ng pelikula.

“Kung papanoorin ko, gusto ko kasama ko na si Ate Guy. Definitely we will show it on a much, much bigger stage later this year siguro.

“Itong mga special screenings na ito, request lang ng mga tao,” pakli ni Alfred.

Magkakaroon pa rin daw sila ng screening sa Dubai, sa U.S., at Europe.

“Kakausapin pa namin si Ate Guy kung gusto niyang sumama o makakasama siya. Kasi siya talaga yung hinahanap ng mga tao dun,” dagdag niyang pahayag.

“We’re hoping na sana mas marami pang maengganyo na pumunta talaga sa theater para magbayad at maano talaga yung theatrical experience, kasi iba talaga pag nanonood ka ng pelikula sa theater.

“Tapos at the same time, lalong natutulungan pa nila yung industriya natin,” dagdag niya.

Binanggit din ni Alfred na kasama rin ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose sa Pieta.

Sinabi niya na ang pinakahuling pelikula na nagawa ni Jaclyn ay ang Pieta.

Hindi pa masabi ni Alfred kung makakapag-produce ulit siya ng pelikula dahil gusto muna niyang ipalabas sa mga sinehan ang Pieta.

Tinanong na rin namin si Alfred kung may balak na ba sila ni Yasmine, ang kanyang asawa, na masundan ang bunso nilang si Aurora Sofia. Gusto pa ba nilang magka-baby No. 5?

“Pinag-usapan na rin namin with her OB. Pero ang ano namin, pag-iisipan pa muna namin.

“Kasi ayaw din naming magdesisyon ng ano, e… ng alam mo, yung sabi nila, ‘Don’t make decisions when you’re under pressure. When you just came from something difficult.’

“Siguro by this year, magdedesisyon kami kung ano yung tamang ano para sa aming pamilya.

“Pero for now, ini-enjoy muna namin, control muna tayo, kaya naman,” sabi niya. JP Ignacio

Previous articleAerospace firm tutulong sa PH modernization program
Next articleApartment buildings sa bayan ni Zelenskiy sapul ng missile