Home NATIONWIDE Aerospace firm tutulong sa PH modernization program

Aerospace firm tutulong sa PH modernization program

MANILA, Philippines – Nakipagkita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Airbus Asia-Pacific sa Berlin, Germany kasunod ng pagpapahayag nito ng intensyon na sumuporta sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pinag-usapan nina Marcos at Anand Stanley, president at lider ng rehiyon ng Airbus Asia-Pacific, ang mga bagay tungkol sa partnership sa pagpapalakas ng kapabilidad ng bansa sa aerospace sector.

Bahagi ito ng working visit ni Marcos sa Germany.

Nagpahayag ng pagnanais ang Airbus na tulungan ang Pilipinas na bumuo ng sarili nitong in-country defense capabilities.

Nais din nitong paunlarin ang joint venture partnership kasama ang Philippine Aerospace Development Corporation (PADC).

Kamakailan ay ibinalita ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na inaprubahan na ni Marcos ang mga revision sa “Horizon 3” ng modernization program ng militar.

Sakop nito ang domain awareness, connectivity, intelligence capabilities ng C4ISTAR communication, command at control, at deterrence capabilities sa maritime at aerial domains. RNT/JGC

Previous articleKoko: Isang tao na nagwagi ng 20 beses sa lotto sa isang buwan, imposible
Next articlePieta, ililibot ni Alfred sa buong mundo!