Home NATIONWIDE Palitan ng nuclear materials sa pagitan ng US at Pinas tinintahan

Palitan ng nuclear materials sa pagitan ng US at Pinas tinintahan

INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) ang opisyal na pagpasok sa isang kasunduan na pinapayagan ang paglipat ng ‘nuclear materials at components’ sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy, mas kilala bilang 123 Agreement, sa pagitan ng dalawang bansa, naging epektibo noong Hulyo 2, 2024. Nilagdaan ito sa San Francisco noong Nobyembre 16, 2023.

Sa isang kalatas, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ang kasunduan ay naglalayon para magbigay ng ligtas at walang panganib na paggamit ng nuclear energy para sa mapayapang layunin at kapaki-pakinabang para mapabilis ang Philippine-US cooperation sa pagsunod sa standards ng International Atomic Energy Agency.

“The 123 Agreement will pave the way for the transfer of information and expertise, nuclear material, equipment, and components directly between the Philippines and the US or through persons authorized by their respective authorities to engage in transfer activities, which will support potential nuclear power projects with US providers,” ayon kay Lotilla.

Sa ilalim ng 2023-2035 Philippine Energy Plan, target ng DOE na pumasok sa nuclear power generation sa 2032, na may 1,200 megawatts, karagdagan sa 1,200 megawatts sa 2035, at 2,400 megawatts sa 2050. Kris Jose