Home NATIONWIDE Taas-presyo ng ilang gulay mapipigilan na ngayong linggo – DA

Taas-presyo ng ilang gulay mapipigilan na ngayong linggo – DA

(c) Remate News Central File Photo

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules sa publiko na ang pagtaas ng presyo ng mga piling gulay ay ititigil na simula ngayong linggo.

“Ang good news dito as I mentioned, nag-start nang mag-harvest ngayon iyong Southern Tagalog Region. At ine-expect natin, unti-unti nang bababa ang iyong presyo sa mga darating na araw, ” sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam, na tumutukoy sa pag-aani ng mga kamatis.

Nabatid nitong Martes, Hulyo 9, ang presyo ng mga kamatis sa Metro Manila ay nasa P140 hanggang P220 kada kilo, mas mataas kaysa sa hanay ng presyo dalawang linggo na ang nakalipas na itinakda sa P90/kg. sa P160/kg.

Ang iba pang produktong pang-agrikultura na tumataas ang presyo ay mga carrots na mula PHP100/kg. hanggang PHP180/kg., talong mula PHP60/kg. sa PHP120/kg., at ang bell pepper ay nasa PHP200/kg. sa PHP350/kg., bukod sa iba pa.

Idinagdag ni De Mesa na ang pagtaas ng presyo ay agad na mababaligtad kung isasaalang-alang ang mas mabilis na cycle sa produksyon ng gulay.

“Iyong presyo ng gulay parating pabagu-bago iyan, iyong presyong nakataas temporary at kapag bumalik uli iyong malaking harvest, bababa uli iyan idinagdag pa nito.

Samantala iniugnay ni De Mesa ang pagtaas ng presyo sa pagkaantala ng ani dahil sa pabago-bagong panahon, bukod pa sa mga epekto ng El Niño phenomenon at Bagyong Aghon.

Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay maaaring magkaroon din ng epekto sa gastos sa transportasyon ng mga magsasaka, lalo na sa mga produktong agrikultural na kinukuha mula sa malalayong lugar tulad ng Benguet, Baguio, at Southern Tagalog, dagdag pa niya.

“May additional na expenses kapag mahal ang gasolina. Of course, ang lalaki ng increases, PHP1 to PHP2 di ba So, that would also be the reason for the dagdagan,” ayon pa kay De Mesa.

Para sa mababang lupang gulay, ang mga produkto ay galing sa Southern Tagalog, Central Luzon, Cagayan Valley, at Ilocos Region; habang ang mga highland na gulay ay karaniwang nagmumula sa La Trinidad, Cordillera, at Southern Tagalog.

Nauna rito, sinabi ng DA na kabuuang PHP510.447 milyon na tulong ang ibibigay sa 160,000 crop, livestock, at poultry farmers na nagmamay-ari o umuupa ng makinarya, kabilang ang PHP3,000 na halaga ng fuel subsidies para sa bawat magsasaka.

Kaugnay nito tinitingnan ng DA ang pamamahagi nito sa Agosto kapag ang average na buwanang presyo ng Dubai crude oil ay umabot sa USD80 kada bariles, ayon sa kinakailangan na itinakda sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. (Santi Celario)