Home NATIONWIDE Pamilya Guo kinasuhan ng NBI

Pamilya Guo kinasuhan ng NBI

MANILA, Philippines – Sinampahan ng reklamong falsification at paglabag sa Anti-Dummy Law sa Department of Justice si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at kanyang pamilya.

Sa inihaing reklamo ng National Bureau of Investigation, inireklamo sina Guo, kapatid na si Shiela at Siemen at magulang nito na sina Lin Wen Yi at Jian Zhong Guo na mga incorporators ng kumpanyang bumili ng lupain sa Mangatarem, Pangasinan.

Sinabi ni NBI National Capital Region Director Ferdinand Lavin na nagsinungaling ang mga Guo ng magpakilala sila bilang Filipino citizens gayung napatunayan na na sila ay Chinese citizens batay sa forensic examination ng kanilang fingerprints at mga dokumento mula sa Department of Foreign Affairs at Bureau of immigration.

At dahil mga dayuham, nilabaymg ng mga ito ang rules on foreign ownership of properties in the Philippines.

Pinalabas ng mga Guo na ang kanilang kumpanya ay filipino corporation na may 65 percent ownership.

Nagsinungaling din ang mga Guo na sila ay residente sa Bulacan batay sa kanilang barangay certification. Teresa Tavares