Home TOP STORIES PAMILYA KO Partylist nagpasalamat sa pagpasok sa Magic 12

PAMILYA KO Partylist nagpasalamat sa pagpasok sa Magic 12

HANDA ang kalooban ng Pamilya KO Partylist sa anumang magiging resulta ng halalan sa Mayo 12, 2025 dahil hindi pwedeng magkompyansa hanggang hindi tapos ang eleksyon.

Ayon kay Atty. Anel Diaz, ang 1st nominee ng Pamilya Ko Party list , nagpapasalamat sila sa pagkapasok sa Magic 12 ng nangungunang mga party list sa isinagawang survey ilang araw ang nakalilipas lamang.

Ayon pa kay Diaz lubha silang nagpapasalamat ng kanyang grupo dahil nakikita ng tao ang kanilang effort na ginagawa at nauunawaan ng taong bayan ang kanilang nais na isulong na programa para sa pamilyang Pilipino.

” Mula po sa pagiging advocacy group sa loob ng dalawang taon ay nabigyan kami ng pagkakataon makabahagi at makatulong sa pinagdaanan ng ating mga kababayan, at sa ating mga kapamilya.

“Salamat po sa pagtanggap at pagtitiwala sa Pamilya Ko at ipinasok nyo kami sa Top 12, pero hindi po tayo magiging complacent , at sa halip lalo tayong magiging pursigido sa pangangampanya, kumbaga papasok na tayo sa last two minutes, saka na tayo magpahinga after May 12,” ani Atty . Diaz .

Aminado si Diaz na habang papalapit na ang halalan ay lalong nadadagdagan ang pressure at ang Mayo 12 ang siyang magiging graduation nilang mga kandidato at dito ay kung aani sila ng katagumpay o kabiguan.

Halos nakaikot na ang Pamilya Ko Party list sa ibat-ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao kayat handa silang tapusin ang kanilang kampanya sa Mayo 9 sa Pandi , Bulacan upang ganapin ang kanilang grand rally.

Bagama’t hindi nila inaasahan na makukuha ang buong suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan lalo’t may mga regional partylist na tumatakbo sa kani-kanilang lugar, nagpasalamat din ang PKP sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga lokal na opisyal ng mga napuntahan nilang mga bayan at lungsod sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

“Ang mahalaga sa amin, they keep it an open playing field, kung baga, hindi naman po kami pinapahirapan, they welcome us at pinapayagan kaming mangampanya at ipahayag sa mga tao ang aming plataporma; Para sa amin, malaking bagay na po iyon,” ang nasisiyahang pahayag ni Atty Diaz. RNT