Pumasok sa top 30 ng March 2025 “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research ang Pamilya Ko Party-list, na nagsusulong ng karapatan ng mga makabagong uri ng pamilya tulad ng single parent, LGBTQ+ families, at adoptive families.
Ayon kay Atty. Anel Diaz, kinatawan ng party-list, “Hindi lang ito panalo para sa amin, kundi para sa bawat pamilyang Pilipino na matagal nang hindi kinikilala ng luma at makalumang batas.”
Isinusulong ng Pamilya Ko ang mga patakaran tulad ng pinalawig na parental leave para sa adoptive at same-sex couples, ayuda para sa solo guardians, at legal na pagkilala sa iba’t ibang anyo ng pamilya sa bansa. RNT