Home SPORTS Alyssa Valdez ginawang tanga ni Meneses sa PVL Finals

Alyssa Valdez ginawang tanga ni Meneses sa PVL Finals

Nalungkot ang maraming fans sa naging pagkatalo ng Creamline Cool Smashers kontra sa Petro Gazz Angels sa finals ng PVL All Filipino Conference. 

Ayon sa mga fan, nanood sila ng laro pero halos madurog ang puso nila dahil hindi nila natunghayan ng maglaro ng matagal ang kanilang iniidolong si Valdez dahil ginawa itong bench player ng kanilang coach na si Sherwin Meneses sa mismong PVL Finals. 

“Isa si Valdez sa nagdala sa team sa finals ng PVL pero siya pa ang binangko sa pinaka-importanteng laban,” ani na fans. 

Sinabi pa ng fans na hindi maganda ang ginawa ni Meneses sa kanilang line-up na ginawang tanga ang kanilang mga ace player gaya nina Carlos Tots at Valdez sa pagharap sa Petro Gazz. 

Nawalan umano ng tiwala si Meneses sa kakayahan nina Valdez, na siyang naging mukha ng kanilang koponan maging ng PVL, na nagresulta sa kanilang nakahihiyang pagkatalo sa All Filipino Conference. 

Ayon kay Meneses hindi masakit ang naging pagkatalo ng Creamline dahil sasabak pa sila sa AVC League pero para sa fans, inamin nilang hindi maganda ang kanilang naging pagkatalo dahil sa pag-iimbento ng kanilang head coach ng line-up na itatapat sa Petro Gazz. 

“Kung sa kanya ang sinabi niya ay “Bawi na lang sa next conference” para sa amin natalo ng Creamline dahil sa ginawa niyang busabos ang ace player nilang si Valdez at Tots sa katatapos na finals,” ayon sa mga fan. 

“Maling-mali ang ginawa ni Meneses, hindi niya binigyan ng pagkakataon ang tulad ni Valdez at Tots na maglaro ng maayos dahil sa ginawa niyang pamalit na player or bangkong player kaya nasira at nawalan ng kumpiyansa sa sarili ang mga ito tuwing ipapasok niya sa loob ng court at agad ding papalitan,” ngitngit pa ng fans. 

Hiniling ng Creamline fans na palitan na ang kanilang coach na nasira ang diskarte sa finals at kung ano ano ang iniisip at hindi nagtiwala sa kanyang mga pambatong veterans players. 

 “Huwag sana siya mag-imbento ng mga players na ipapasok niya para itapat sa team, dahil nakakasira sa moral ng kanyang mga manlalaro,” banat pa ng fans.