Maguindanao, Philippines – Patuloy ang pag-angat ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa pinakabagong Bangsamoro Citizens’ Poll, kung saan 74.4% ng 1,137 respondents ang pumabor sa kanya.
Nakuha naman ni Ali Midtimbang ang 23.6%, kasabay ng bahagyang pagtaas ng 1% mula sa nakaraang survey—sa kabila ng suporta mula sa Malacañang at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
May margin of error na ±2.9%, isinagawa ang survey mula April 9 hanggang 12.
Ayon sa ilang analista, nananatili ang matibay na koneksyon ni Bai Mariam sa mga mamamayan, habang sinasabing hindi pa ganap na nararamdaman ang epekto ng pambansang endorso sa lokal na pulitika.
Sa Maguindanao del Norte, patuloy din ang pagtaas ng Team Agila kontra sa mga kandidatong suportado ng UBJP, na ayon sa ilang tagamasid ay maaaring senyales ng lumalawak na regional pushback.
Kamakailan, lumabas din sa hiwalay na survey ang panalo ni Bai Mariam, sa gitna ng mga isyu ukol sa partidong sinusuportahan ng UBJP—PDP-Laban man o PFP.
Bagama’t maigting ang labanan, malinaw na parehong nagpapatatag ng kanilang base ang dalawang kampo, habang papalapit ang halalan. RNT