Home NATIONWIDE 55 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

55 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Taal ng 55 volcanic earthquakes at 19 volcanic tremors sa nakalipas na limang araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nitong Linggo, nasa 10 lindol at dalawang volcanic tremor ang naitala na may habang isa o dalawang minuto sa nakalipas na 24 na oras.

Noong Abril 11, naitala naman ng ahensya ang pitong volcanic earthquakes na may limang volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang walong minuto.

At noong Abril 10, mayroong walong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto.

Samantala, noong Abril 9 ay may naitalang 20 volcanic earthquakes sa Taal na sinamahan ng dalawang volcanic tremors at tumagal ng isa hanggang dalawang minuto, habang 18 volcanic earthquakes ang naitala kasama ang isang volcanic tremor na tumagal ng tatlong minuto noong Abril 18.

Nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

“[Under] alert level 1, sudden steam-driven or phreatic or minor phreatomagmatic eruptions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within TVI (Taal Volcano Island),” ayon sa PHIVOLCS. RNT/JGC