MANILA, Philippines- Magdiriwang ng Pasko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya sa Manila, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
“Manila. That’s the plan,” pahayag ni PCO chief Cesar Chavez.
Nag-Pasko rin ang First Family at kanilang mga kaanak ng noong nakaraang taon sa Malacañang.
Sa isa sa kanyang vlogs nitong taon, sinabi ni Marcos na ang kanyang New Year’s resolution ay maglaan ng mas maraming oras para sa kanyang pamilya.
“Ang talagang New Year’s resolution simple lang – to spend more time with my family at hindi ko na sila halos nakikita dahil siyempre busy tayo, busy rin sila,” pahayag ng chief executive sa kanyang vlog noong January 6. RNT/SA