Home HOME BANNER STORY Pamilya ni Jaclyn Jose naniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng aktres...

Pamilya ni Jaclyn Jose naniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng aktres – PNP

MANILA, Philippines – Naniniwala ang pamilya ni Jaclyn Jose na walang foul play sa pagkamatay ng aktres, ayon sa
Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 4.

“The family is asking for privacy, and they believe that there is no foul play in her death. We are sympathizing with her family and friends,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa press briefing.

Hindi na binanggit ni Fajardo ang sanhi ng pagkamatay ng aktres, sabay sabing pinili ng pamilya na hindi isapubliko ang mga bagay na may kaugnayan dito.

Matatandaan na Linggo ng gabi ay ginulat ang publiko sa balitang natagpuang wala nang buhay ang katawan ni Jaclyn Jose, o Mary Jane Guck sa tunay na pangalan, sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City sa kaparehong araw. RNT/JGC

Previous articlePaglulunsad sa EU free trade negotiations ‘very soon’ – DFA
Next articleDepEd tutol sa foreign control sa mga paaralan sa pamamagitan ng Cha-cha