Home NATIONWIDE Paglulunsad sa EU free trade negotiations ‘very soon’ – DFA

Paglulunsad sa EU free trade negotiations ‘very soon’ – DFA

MANILA, Philippines – Umaasa ang Pilipinas na mailulunsad na nito ang formal free trade agreement negotiations kasama ang European Union sa lalong madaling panahon, ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Lunes, Marso 4.

Malaking bahagi ng kalakalan ng Pilipinas ay nakaasa sa China, kung kaya’t nais nitong palawakin pa ang economic relations sa ibang bansa upang maabot ang mas mataas na ‘resiliency,’ ani Manalo.

“We’re hoping… to very soon begin free trade negotiations with the EU,” dagdag pa niya.

Ilang buwan nang nasa preliminary talks ang bansa para sa free trade deal sa 27-nation bloc.

Ang naunang hakbang para rito halos isang dekada na ang nakalipas, ay nabalahaw dahil sa pangamba sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“What we’re really aiming for is the notion of greater economic resilience,” sinabi pa ni Manalo.

Nakatutok ang Pilipinas sa paglikha ng “greater economic security and economic resiliency, which in turn contributes to your own national security,” aniya.

Pag-aaralan din ng EU at Pilipinas ang mas malawak na kooperasyon sa aspeto ng critical minerals, gamit ang kasalukuyang supply chains ngunit magkakaroon ng mas maraming processing activity sa bansa. RNT/JGC

Previous articlePilipinas susuportahan ng US sa laban vs HIV/AIDS – official
Next articlePamilya ni Jaclyn Jose naniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng aktres – PNP