Home METRO Pamilyang durugista timbog sa P8.4M tobats sa Bulacan buy-bust

Pamilyang durugista timbog sa P8.4M tobats sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang pamilyang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P8.4 milyong halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod Malolos.

Kinilala ang mga suspek na si alyas Caloy, 41 mga anak na sina alyas Jocy, alyas Carl at dalawa pang nagngangalang Kate at Russel, residente ng Brgy. Tikay.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agenc-National Capital Region (PDEA-NCR), ikinasa ang operasyon ng kanilang mga operatiba na may koordinasyon sa PDEA RO-NCR RSET2, PDEA Bulacan Provincial Office, National Intelligence Coordinating Agency, Provincial Intelligence Unit-Bulacan at Malolos police station bandang 6:33 ng gabi nitong Pebrero 15 sa bahay mismo ng mga naarestong suspek matapos ang kanilang week-long surveillance operation.

Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang vacuum-sealed transparent plastic na naglalaman ng tinatayang 1,000 grams na pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa brown-gold foil pack labeled “freeze-dried Durian” at anim pang 6,000 grams na nasa kaparehong lagayan na aabot sa halagang P8.4 milyon at buy-bust money.

Sinasabing si Caloy ay dating nakulong sa NCR sa kaparehong kaso at nagbalik sa transaksyon kasama ang mga anak na kapwa nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng PDEA. Dick Mirasol III