MANILA, Philippines – Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang closed fishing season sa Zamboanga Peninsula at Visayan Sea na ginagawa upang mapanatili ang populasyon ng ilang uri isda sa lugar.
Maaari nang magbalik sa operasyon ang commercial fishers ng sardinas sa conservation area ng Zamboanga Peninsula, partikular na sa mga dagat ng East Sulu, Basilan Strait, and Sibuguey Bay.
Pinapayagan na rin ang commercial fishing ng sardinas, herrings, at mackerel sa mga dagat sa Visayan Sea.
Ipinatupad ng BFAR ang fishing ban noong Nobyembre 15, 2024 bilang bahagi ng conservation effort ng mga partikular na species ng isda sa Visayas at Mindanao regions. RNT/JGC