Home NATIONWIDE Pamimigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng Habagat, bagyo patuloy! –...

Pamimigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng Habagat, bagyo patuloy! – DSWD

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbibigay ng relief assistance ng DSWD sa mga komunidad na naapektuhan ng enhanced southwest monsoon o Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Ayon sa DSWD, nakapagbigay na ito ng 1.66 milyon family food packs (FFPs); 13,864 non-food items (NFIs); 22,993 ready-to-eat food (RTEF) items; at P2.76 milyon na financial aid.

May nakaimbak din ang DSWD na 3.79 milyon FFPs, 275,983 NFIs at 315,172 RTEF items sa mga bodega nito sa buong bansa para sa patuloy na relief operations.

Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao na patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang pangangailangan at agad na maipadala ang karagdagang ayuda.

“Patuloy ang DSWD sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matukoy ang mga kinakailangang tulong at agad na maipadala ang mga karagdagang relief supplies.”

Sa ilalim ng Buong Bansa Handa (BBH) program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nananatiling nakaalerto ang DSWD upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Umabot na sa 2,128,890 pamilya ang naapektuhan. Sa mga ito, 11,630 pamilya o 39,978 katao ang kasalukuyang nasa 530 evacuation centers. Mayroon ding 19,834 pamilyang lumikas ngunit wala sa evacuation centers, na patuloy na tumatanggap ng ayuda.

“Sa ilalim ng ating Buong Bansa Handa initiative, kami po sa DSWD ay ready all-year-round upang agad na makapag-abot ng kinakailangang tulong at relief augmentation support sa ating mga kababayan. Patuloy din tayong nagmomonitor at naghahanda para sa bagyo na maaaring pumasok at makaapekto sa ating bansa,” ani Dumlao. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here