CALAUAG, Quezon- Nasunog ang isang pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Doña Aurora sa lugar na ito nitong Martes.
Sinabi ng mga pulis na patungo ang Raymond Bus na may plakang ACC-8630 na minamaneho ni Arden Penola, 47, sa Bicol nang mag-precautionary break ito kasunod ng pagsabog.
Ipinarada ni Penola ang bus sa outer lane ng kalsada at napansin na sumabog ang isang gulong na mitsa ng sunog.
Hindi naman nasaktan ang kanyang konduktor at lahat ng pasahero ay ligtas ding nakababa.
Base sa mga pulis, tuluyan nang nasunog ang nasabing bus. RNT/SA