CEBU CITY- Nahuli ng mga pulis ang grupo ng kalalakihan na pinagpupustahan ang labanan ng mga gagamba nitong Lunes ng gabi, sa Barangay Lorega San Miguel sa lungsod na ito.
Sinabi ni Police Major Marvin Fegarido, hepe ng Parian Police Station, na naiulat ang illegal gambling activity ng isang concerned citizen sa pamamagitan ng 911 national hotline dahil sa ingay ng mga mananaya.
May kabuuang 42 indibdiwal ang naaresto.
“It was like a fiesta. When the spiders start to fight, those who placed bets will start shouting,” wika ni Fegarido.
Nasamsam sa operasyon ang improvised small boxes na naglalaman ng 32 buhay na gagamba.
Gumawa ang mga mananaya ng improvised spider fighting arena na nbuking din ng mga pulis.
Nakumpiska naman ang bet money na nagkakahalaga ng P2,470.
Maghahain ng mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na nagpapataw ng parusa sa illegal gambling sa mga naarestong indibdiwal. RNT/SA