Home METRO 2 dedo, 4 sugatan sa ‘rido’

2 dedo, 4 sugatan sa ‘rido’

CAMP SK PENTADUN, Maguindanao del Norte- Patay ang dalawang indibiwal, at apat ang sugatan nitong Martes ng umaga sa sagupaan ng mga pamilyang matagal nang may alitan dahil sa lokal na politika sa Malabang, Lanao del Sur, base sa mga pulis.

Sinabi ni Major Salahuddin Basher, Lanao del Sur police spokesperson, nagtalaga ng police at military forces sa bayan upang pigilan ang pag-igting ng karahasan.

“While efforts are ongoing to normalize the situation, we advised the public to remain in their homes,” pahayag ni Basher.

Sumiklab ang kaguluhan nitong Martes sa mga barangay ng Bacayawan at Tubok, malapit sa Malabang town center.

Kinilala ni Major Ivan John Bakian, Malabang police chief, ang mga nasawi na sina Fajad at Nodin.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Ansary Didik, 60, at Hamdanie Ibrahim, 42, kapwa mula sa Barangay Bacayawan; at Esmail Abdul, 53, at Jemar Abdul, 22, kapwa residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Kasalukuyan silang ginagamot sa ospital.

Kasunod ang labanan ng paghahain ng certificates of candidacy para sa local elections. RNT/SA