Home NATIONWIDE Solon kumpiyansa sa sapat na ebidensya sa Articles of Impeachment vs VP...

Solon kumpiyansa sa sapat na ebidensya sa Articles of Impeachment vs VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang isang mambabatas na may sapat na ebidensya na magpapatunay sa reklamong inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Lanao del Sur 1st District representative Zia Alonto Adiong na may solido silang ebidensyang nakalap para tumindig ang impeachment laban kay VP Sara.

Sinabi ng mambabatas na ang impeachment ay pagpapatupad ng Saligang Batas at hindi pamumulitika.

Samantala, kinuwestyon din ng mambabatas ang hirit na motion for dismissal ng kampo ni VP Sara.

Pinuna ni Rep. Adiong ang nilalaman ng mga dokumento na aniya ay walang sagot sa mga partikular na inaakusa o alegasyon sa Articles of Impeachment.

Ang House prosecution team naman ay nakatakdang magsumite ng kanilang pormal na tugon sa sagot ng depensa sa loob ng susunod na limang araw bago magsimula ang pre-trial conference. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here