Home METRO Pampasaherong bus sumalpok sa NLEX Toll booth, 3 sugatan

Pampasaherong bus sumalpok sa NLEX Toll booth, 3 sugatan

349
0

MANILA, Philippines- Tatlong katao ang sugatan nang sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang kotse sa North Luzon Expressway (NLEX) Balintawak toll booth kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng corporate communications office ng NLEX Corp., pumalya ang preno ng Stella Mae Star bus habang papalapit sa toll plaza ang sasakyan.

Nabangga ng bus ang chariot barrier, guardrails at toll booth gayundin ang likuran ng Toyota Corolla dakong alas-8:36 ng umaga.

Isinugod ng mga tauhan ng NLEX ang tatlong hindi pa nakikilalang biktima sa hindi pa nabatid na ospital.

Hindi pa rin batid kung ang mga sugatan ay pasahero ng bus o ng kotseng sinalpok.

Itinurn-over na ng communication office ng NLEX ang kaso sa lungsod ng Caloocan. Merly Iral

Previous articleKris, bet putulin ang komunikasyon kay Marc!
Next articleHouse Speaker nagbabala sa mapagsamantalang rice traders

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here