Home ENTERTAINMENT Kris, bet putulin ang komunikasyon kay Marc!

Kris, bet putulin ang komunikasyon kay Marc!

Los Angeles, USA – Habang marami ang umaasang tumibay pang lalo ang kanilang relasyon albeit long-distance ay saka naman gustong putulin ni Kris Aquino ang communication lines nila ni Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Ito’y ayon sa post ni Kris sa kanyang Instagram Stories nitong unang araw ng September.

Ibinahagi ni Kris ang screenshots ng tatlo niyang mensahe kay Marc.

“My truth” ang caption ni Kris sa kanyang unang message.

Doon ay tinanong ni Kris kung hindi raw ba napapagod si Marc sa kapapadala ng mga messages sa kanya gayong dalawa’t kalahating linggo na niyang hindi nirereplayan ang mga ito?

Diretsong inamin ni Kris na hindi na raw niya kailangang malaman ang mga ganap sa buhay ni Marc the same way that she no longer feels the need to keep Marc informed what’s happening to her.

Sa ikalawang screenshot, nilinaw ni Kris na walang nag-impluwensya sa kanya sa gusto niyang mangyari.

“It’s just that I have fallen back to the pattern of reading books every 2-3 days, the NYT and the magazines I like,” dugtong niya.

Maging ang hirap daw that she has to endure dulot ng kanyang sakit ay nakasanayan na rin daw niya.

Sa ikatlong screenshot, nilakipan ito ni Kris ng “the end.”

Doon ay sinabi niyang nagpapasalamat si Kris sa pagpapadala ni Marc ng mga mensahe, pero nais niya raw maging “polite” sa pagsasabing mas makabubuting tigilan na nito ito.

Napakahirap daw kasi ang kanilang kalagayan: si Kris sa Amerika at nasa Pilipinas naman si Marc.

It has always been her prayer to have serenity and peace.

“This is what happens– people grow apart,” pagtutukoy sa kanilang long distance relationship.

May screenshot sana ng reply ni Kris ngunit putol ito o hindi na natapos.

Matatandaang nitong June nang isapubliko nina Marc at Kris ang kanilang relasyon.

A month later ay nakikipag-break na si Kris kay Marc.

Even then, nakailang balik pa rin si Marc sa Amerika para dalawin si Kris.

Maging ang dalawang anak ni Marc na sina Arielle at C2 (Conrad) ay kasama roon ni Kris para asikasuhin ito.

Tinawag pa nga ni Marc ang mga anak as well as Kris’ sons Joshua and Bimby as “my Queen’s crew.” Ronnie Carrasco III