Home NATIONWIDE Pampublikong ospital sa Metro Manila code white sa Pista ng Jesus Nazareno

Pampublikong ospital sa Metro Manila code white sa Pista ng Jesus Nazareno

234
0

MANILA, Philippines – Ilalagay sa Code White alert ang mga pampublikong ospital sa Metro Manila at mga kalapit na lugar para sa darating na Pista ng Jesus Nazareno sa Enero 9, ayon sa Department of Health (DOH) noong Linggo.

Ang Code White ay nangangahulugan na ang mga ospital at mga medikal na tauhan ay nasa standby upang magbigay ng agarang emergency care anuman ang oras.

Sinabi rin ng DOH na magpapadala sila ng 200 miyembro ng emergency health response team sa araw ng taunang pista.

Kabilang sa mga kaso na inaasahang tutugunan ng DOH sa panahon ng taunang pista ay ang mga makakaranas ng hypertension at hypoglycemia.

Sinabi rin ng kagawaran na ang mga ospital ay handa para sa pinakamasamang sitwasyon.

Pinayuhan din ng DOH ang mga deboto na nasa mahinang kalangayan na mas mabuting manatili sa kanilang mga tahanan para sa kaligtasan.

Ngunit para sa mga kaya pa ng katawan ngunit umiinom ng maintenance medicines, pinayuhan sila ng DOH na magdala ng gamot sa isang araw.

Pinayuhan din ng kagawaran ang lahat ng mga dumalo na magdala ng tubig at magsuot ng maluwag na damit.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa 15,000 pulis ang ipapakalat sa Enero 9 pista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here