Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Saradong kalsada, re-routing sa Biyernes, Enero 9 — MPD

ALAMIN: Saradong kalsada, re-routing sa Biyernes, Enero 9 — MPD

224
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Manila Police District (MPD) ang pagsasara ng ilang kalsada at rerouting sa lungsod ng Maynila para sa darating na Pista ng Jesus Nazareno sa Biyernes, Enero 9.

Ang pagsasara ng kalsada sa mga sumusunod na lugar ay magkakabisa simula 9 ng gabi ng Huwebes, Enero 8:

– Bonifacio Drive northbound at Southbound

– Katigbak Drive at South Drive (Isang Lane Accessible sa Manila Hotel at H20 Hotel; (plastic barrier)

– Independence Road P. Burgos Eastbound at Westbound

– Finance Rd. Eastbound at Westbound

– Ma. Orosa St. Northbound at Southbound

– Taft Ave. Northbound at Southbound

– Romualdez Ayala Blvd. Northbound at Southbound

– C. Palanca Northbound at Southbound

– P Casal Northbound at Southbound

– Legarda St. Northbound at Southbound

– Quezon Blvd, Northbound at Southbound

– Lerma Westbound

– McArthur Bridge Northbound at Southbound; at Jones Bridge Northbound at Southbound

Samantala, ang sumusunod ay ang rerouting para sa mga sasakyan na patungo sa timog o southbound;

– Lahat ng sasakyan na patungo sa timog ng Mel Lopez Blvd. (R-10) papunta sa Roxas BIvd. ay liliko sa kaliwa sa Capulong St., diretso sa Yuseco St. sa Lacson Ave. sa destinasyon.

– Lahat ng sasakyan na patungo sa timog ng A Mendoza St. papunta sa Quezon Blvd., ay liliko sa kanan sa Fugoso St., sa Rizal Ave., sa destinasyon.

– Lahat ng sasakyan na patungo sa kanluran ng España Blvd. papunta sa Quezon Blvd., ay liliko sa SF sa N. Reyes St., sa CM. Recto Ave., sa destinasyon.

– Lahat ng sasakyan na patungo sa timog ng Rizal Ave. na gustong gumamit ng McArthur Bridge papunta sa timog, ay kaliwa sa CM. Recto Ave., kaliwa sa Legarda St., sa destinasyon.

– Kakanan naman ang lahat ng sasakyan na patungo sa timog ng J. Abad Santos Ave./R. Regente papunta sa Intramuros Area., sa San Fernando St., kaliwa sa Madrid St., kaliwa sa Mulle. Dela Industria sa Binondo-Intramuros Bridge sa A. Soriano Ave. sa destinasyon o dadaan ng Juan Luna St, kanan sa Muelle Dela Industria sa Binondo-Intramuros Bridge.

– Mga Light Vehicles na galing sa Bonifacio Drive ay dumaan sa Anda Circle at kaliwa sa Soriano Ave. sa destinasyon.

Ang sumusunod naman ay ang rerouting para sa mga sasakyan na patungo sa hilaga o northbound;

– Lahat ng sasakyan na galing sa A. Mabini St. at Ma. Orosa St. na gustong gumamit ng TM. Kalaw Ave., ay liliko sa kanan ng U.N. Ave., diretso sa P. Guanzon St. sa Mabini Bridge sa destinasyon.

– Lahat ng sasakyan na patungo sa hilaga ng Taft Ave. papunta sa P. Burgos Ave., ay liliko sa kanan sa U.N. Ave., diretso sa P. Guanzon St. sa Mabini Bridge sa destinasyon.

– Lahat ng Trucks at Trailers na patungo sa hilaga ng Osmeña Highway papunta sa Mel Lopez Blvd. (Pier Area) ay liliko sa kanan sa Pres. Quirino Ave., sa Mabini Bridge sa destinasyon.

– Lahat ng Trucks at Trailers na patungo sa hilaga ng Roxas Blvd. papunta sa Mel Lopez Blvd. (Pier Area) ay liliko sa kanan sa Pres. Quirino Ave., sa Mabini Bridge sa destinasyon. (old Truck Route)

– Lahat ng light vehicles na patungo sa hilaga ng Roxas Blvd. papunta sa P. Burgos Ave. ay liliko sa kanan sa U.N. Ave. diretso sa P. Guanzon St, sa Mabini Bridge sa destinasyon.

Sinabi ng Philippine National Police na aabot sa 15,000 pulis ang ipapakalat sa Enero 9 pista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here