MANILA, Philippines- Hinimok ng tatlong Filipino cardinals na lumahok sa conclave at naghalal kay Pope Leo XIV ang mga tao na ipagdasal ang bagong pontiff habang sila ay nagpahayag ng optimismo tungkol sa kanyang papacy.
Sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kinuha ng bagong papa ang pangalang Leo kasunod ni Pope Leo XIII na kilala sa kanyang mga panlipunang turo.
Ayon naman kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, dapat magtulungan ngayon ang mga mananampalataya ngayong mayroon nang bagong lider.
Aniya, nabiyayaan ang mga katoliko dahil ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao ang mga dakila at masisipag na papa sa paglipas ng mga taon.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang mga pagtitipon sa Pilipinas ay naging pamantayan para sa pagbisita ng papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden