Home ENTERTAINMENT Panalangin para kay Hajji, hinihiling!

Panalangin para kay Hajji, hinihiling!

Manila, Philippines- Kung totoo man ang balita’y napakalungkot dahil malamang ay nasa isang serious medical condition ngayon si Hajji Alejandro.

Bagama’t ayon sa partner ng orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyala na si Alynna Velasquez na fake news na may malubha itong sakit, heartbreaking na malaman ang umilkot nang balita.

Diumano, nasa ICU ng Medical City si Hajji.

Ayon sa pagsusuri, siya ay may Stage 4 colon cancer.

Nag-metastasize o kumalat na raw ito sa kanyang baga at atay.

Nakaranas din daw si Hajji ng seizures.

Dahil dito, humihingi ng panalangin sa kanyang social media account ang kapwa singer na si Richard Merck.

Hajji shot to fame during the late 70s, earning the title Kilabot ng mga Kolehiyala which was later bestowed on Ariel Rivera.

Nakarelasyon niya muna noon si Rio Diaz who later died of colon cancer.

Anak ni Hajji si Rachel na isa ring mahusay na mang-aawit.

Our healing prayers for Hajji Alejandro. Ronnie Carrasco III