Home TOP STORIES Pananakot, walang puwang; Pinas di uurong – Goitia

Pananakot, walang puwang; Pinas di uurong – Goitia

179
0

MANILA, Philippines – MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y pananakot ng China laban sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), kasunod ng palitan ng pahayag nina Commodore Jay Tarriela at ng Chinese Embassy kaugnay ng mga insidente sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Goitia, ang pagbubunyag ng PCG ay batay sa tunay na ebidensya at hindi propaganda.

“Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang hindi ito kanais-nais,” giit ni Goitia.

Binigyang-diin niya na ang transparency ay malinaw na polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at walang ulat na itatago o teritoryong isusuko. Naninindigan ang Pilipinas sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Ani Goitia, lumampas na sa diplomasya ang pahayag ng China at umabot na sa hayagang pananakot, na mariing kinokondena ng pamahalaan. Hindi umano ito personal na isyu kundi usapin ng soberanya ng estado.

Nanawagan naman si Sen. Risa Hontiveros sa DFA na tugunan ang agresibong asal ng China.

Tiniyak naman ng DFA ang buong suporta sa PCG at sa mga institusyong nagtatanggol sa karapatan ng bansa.

Ayon pa kay Goitia, ang mensaheng malinaw ay hindi mapapatahimik ang katotohanan at hindi uurong ang Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here