Home HOME BANNER STORY Panawaga ng NCR mayors na taas-multa sa illegal parking tinabla ni PBBM

Panawaga ng NCR mayors na taas-multa sa illegal parking tinabla ni PBBM

MANILA, Philippines – IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council na nanawagan na itaas ang penalty o multa sa illegal parking.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya pabor sa nasabing probisyon na tataasan ang multa sa illegal parking mula sa P1,000 hanggang P4,000.00.

Binigyang-diin ng Pangulo na dapat manatili sa P1,000 ang multa.

“Para patuloy ang magandang serbisyo ng ating pamahalaan ay hindi ko pinayagan ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na tataasan ang multa para sa mga illegal parking mula sa isang libong piso na hanggang apat na libong piso maiiwan na sa isang libong piso lamang, ” pahayag ng Pangulo.

Inamin ng Pangulo na naiintindihan niya ang intensiyon sa likod ng panukala, subalit mas makabubuting bigyang prayoridad ang disiplina imbes sa pagmumulta.

Iginiit ng Chief Executive na ang Bagong Pilipino ay disiplinado.

At sa pamamagitan aniya ng pagtutok sa responsibilidad ng isang indibiduwal ay makalilikha aniya ng pangmatagalang solusyon sa mga hamon sa trapiko.

”While I understand the intention behind the proposal, I’ve decided to prioritize discipline over penalties. Ang Bagong Pilipino ay disiplinado. By focusing on individual responsibility we can create long lasting solutions to our traffic challenge,” dagdag na wika ng Pangulo. Kris Jose