Home METRO F2F classes sa Manila suspendido sa Huwebes, Abril 26

F2F classes sa Manila suspendido sa Huwebes, Abril 26

MANILA, Philippines – SINUSPINDE ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang “face-to-face classes” para sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod ng Maynila sa Huwebes (Abril 26) hanggang Biyernes sanhi ng napakainit na panahon.

Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaang Lungsod ang mga paaralan na lumipat sa asynchronous na klase.

Sinuspinde ang mga klase sa Maynila dahil batay sa pagtaya ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office ay aabot sa danger heat index level na 44°C ang lungsod. Jay Reyes