Home ENTERTAINMENT Pancho, di maka-move on kay Max!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pancho, di maka-move on kay Max!August 4, 2025 08:002620 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Anumang pagtanggi o pagtatakip pa ang gawin ng isang artista kapag kaharap si Boy Abunda ay lalabas at lalabas din ang totoo.Ganito ang nangyari kay Pancho Magno in his recent guesting on Fast Talk.Diretsahan kasing tinanong ni Boy if Pancho still carries the torch for his ex-partner Max Collins.Obyus na marami pa munang pasakalye ang aktor.He mentioned the love and respect that he and Max have for each other despite what happened to their marriage.Nagsimula raw kasi sila bilang magkaibigan until both of them became Christians.Idagdag pa raw ang katotohanang co-parenting ang setup nila sa kanilang nag-iisang anak na si Skye, now five years old.May implikasyon ngang mahal pa rin ni Pancho si Max–bagay na hindi niya masagut-sagot nang diretso.Patunay ang kawalan ni Pancho ng idine-date na ibang babae.Kabaligtaran ito sa ulat that Max has a Spanish businessman-boyfriend.Mag-move on ka na kasi, Pancho! Ronnie Carrasco III