Home NATIONWIDE Panelo: Bagong Senate impeachment vote threshold labag sa Konstitusyon

Panelo: Bagong Senate impeachment vote threshold labag sa Konstitusyon

1
0

MANILA, Philippines — Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na labag sa Konstitusyon ang desisyon ng Senate Impeachment Court na ibatay ang kinakailangang two-thirds vote para sa conviction sa bilang ng mga senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa proceedings.

Ayon kay Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ng kampo ni Duterte, malinaw umano sa 1987 Constitution na kailangan ang pagsang-ayon ng “two-thirds of all the Members of the Senate” upang ma-convict ang isang impeached official.

“This is a clear violation of our Constitution because the Constitution states two-thirds of all members of the Senate are needed for conviction,” ani Panelo sa panayam sa Unang Balita.

Nakasaad sa Article XI, Section 3(6) ng 1987 Constitution na walang maaaring ma-convict sa impeachment nang walang concurrence ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado. Hindi naman nakasaad sa probisyon ang partikular na numerong katumbas nito.

Noong Setyembre 23, binaligtad ng impeachment court ang naunang ruling na nagtakda sa 16 boto bilang kailangan para ma-convict si Duterte. Sa bagong formula, isasaalang-alang lamang sa denominator ang mga senador na legal at aktuwal na may kakayahang lumahok kapag ibinaba ang hatol.

Maaaring hindi isama ang mga senador na detenido o suspended, legal na pinipigilang gampanan ang tungkulin, may physical o medical incapacity, hindi matagpuan ng mga awtoridad, o nasa katulad na sitwasyon.

Tinawag ni Panelo ang ruling na “grave abuse of discretion,” bagaman hindi niya tiyak na sinabi sa naturang panayam kung dadalhin mismo ng kampo ni Duterte ang usapin sa Supreme Court.

Taliwas naman dito, sinabi ni House prosecutor Terry Ridon na maaaring dumulog sa SC ang sinumang kumukuwestiyon sa ruling at igagalang ng prosecution ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Sinabi rin ni 1987 Constitutional Commission member Christian Monsod na sa kanyang pananaw ay hindi labag sa Konstitusyon ang hindi pagsama sa denominator ng mga senador na legal na hindi makagampan ng kanilang tungkulin.

Samantala, naghain na rin nitong Huwebes si dating Executive Secretary Vic Rodriguez ng petisyon sa Supreme Court na humihiling na ipawalang-bisa ang September 23 ruling at ibalik ang 16-vote threshold

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here