Home HOME BANNER STORY Pang-aabuso sa bahay-ampunan sa Pampanga, paiimbestigahan ni Hontiveros

Pang-aabuso sa bahay-ampunan sa Pampanga, paiimbestigahan ni Hontiveros

291
0
Ipinagpatuloy ng Senate Justice and Human Rights Subcommittee na pinamumunuan ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ang kanilang imbestigasyon sa iba't ibang isyu kaugnay ng pagtakas ng tinanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, mga anomalya na kinasasangkutan ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), mga alalahanin tungkol sa espionage, at ang patuloy na problema ng human trafficking patungo sa mga scam compounds. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Naghain si Senador Risa Hontiveros ng resolusyon para simulan ang imbestigasyon sa Senado sa umano’y kaso ng pang-aabuso sa mga bata sa isang bahay-ampunan sa Mexico, Pampanga.

Sa ilalim ng Senate Resolution 77, inatasan ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na magsagawa ng pagdinig sa mga umano’y pangmamaltrato sa mga bata sa isang bahay-ampunan kung saan ang isang Amerikanong pastor ang nagsisilbi nitong director.

Titingnan sa Senate inquiry ang mga pang-aabuso na ginawa sa iba pang mga bahay-ampunan at childcare facilities.

Sinabi sa resolusyon na layon ng imbestigasyon na pagtibayin ang child protection laws at mapabuti ang regulasyon at monitoring sa pampubliko at pribadong child-caring institutions.

“The reported incident underscores the necessity of a comprehensive review of accreditation, monitoring, and regulation mechanisms for public and private institutions that assume custody of minors to prevent similar abuses from recurring,” saad sa resolusyon.

Noong nakaraang linggo, sinagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 160 bata na umano’y minamaltrato sa naturang bahay-ampunan.

Kabilang dito ang pagkukulong sa banyo, paggutom, at paglimita sa mga galaw ng mga bata.

Nahaharap naman ang direktor na pastor sa reklamong paglabag sa Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act.

Inihahanda na rin ng Bureau of Immigration (BI) ng deportation ng dayuhan, habang nag-isyu naman ng cease and desist order ang DSWD laban sa bahay-ampunan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here