MANILA, Philippines – Nasungkit ni Ka Rex Cayanong ang pang-walong kampeonato ngayong 2024 matapos maghari sa katatapos na 5-Stag National Invitational Derby na binitawan sa ruweda ng Pasay Cockpit Arena noong Nobyembre 26.
Gamit ang entry name na Ka Rex 1.1M No Pot 6-Cock March 30 San Pedro, nakapagtala si sabong sensation, Cayanong ng impresibong 4.5 points para masolo ang korona at ibulsa ang tumataginting na P600,000 premyo.
Bumilib ang mga nakasaksing sabungero sa laban ng mga warriors ni veteran broadcast journalist Cayanong at maging ang mga promoter at host na sina Vandolph, Joe Palengke at Mang Nick.
Pinagpag ng Ka Rex 1.1M No Pot 6-Cock March 30 San Pedro sa unang fight ang San Jose Batangas, tabla sa pangalawa kontra JMAR, at muling pumupog ng panalo sa tatlong huling natitirang laban niya na PE Game Farm, GKMM-NJJAR- AEI 88 at Xmas Derby Dec 23 sa Pasay.
Nakatuwang ni Cayanong sa paghahanda ng kanyang pandiinan na panabong ay sina Jhay Escueta, Bryan Escueta, John Lester Escueta at Castor P. Mendoza habang ang gaffer ay si Chis alvarado.
Samantala, ikakasa ang pa derby ni Cayanong na 1.1M No Pot 6-Cock na bibitawan sa San Pedro Coliseum sa Marso 30, 2025.ED