Home NATIONWIDE Pangako ni PBBM: Agrarian reform tatapusin sa 2028

Pangako ni PBBM: Agrarian reform tatapusin sa 2028

MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes na tatapusin nito ang nilalayong repormang pang-agraryo sa 2028 o sa pagtatapos ng kanyang termino.

“Kaya naman po, sa ilalim din ng administrasyon na ito na si Sec. Conrad [Estrella III] ang puno ng DAR, ating sinisikap na makumpleto ang repormang pang-agraryo sa taong 2028 upang mapakinabangan na ng lahat ng mga benepisyaryo ang lupang sakahan,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa Quezon City.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), mula July 2022 hanggang July 2024, namahagi ang DAR ng 136,116 titulo ng lupa sa 138,718 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa, sakop ang 164,088 ektarya ng lupa.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang mahigit sa P100,000 titulo ng lupa ay ipamamahagi naman bago matapos ang taon.

Sa kabilang dako, sa event pa rin sa Department of Agrarian Reform (DAR) gymnasium, may kabuuang 1,119 Certificates of Condonation and Release of Mortgage (COCROMs) ang ipinamahagi sa 1,000 agrarian reform beneficiaries mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa Bulacan.

Matatandaang June 10, 1988, nilagdaan ng namayapa at dating Pangulong Corazon Aquino upang maging ganap na batas ang Republic Act 6657 o mas kilala bil;ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL).

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang agrarian reform ay “not simply a program or project of his administration” kundi “a labor of love” mula sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at dating Agrarian Reform chief Conrado F. Estrella Sr.

Si Conrado M. Estrella III, incumbent DAR secretary, ay apo ni Conrado Sr.

Samantala, July 2023, tinintahan naman ni Pangulong Marcos ang Republic Act 11953 o New Agrarian Emancipation Act, “which condones the amortization of principal payments, interest and penalties on land tilled by farmers.” Kris Jose