Home NATIONWIDE 5 pang ‘pastorals’ na ‘nabiktima’ ni Quiboloy nagsumbong

5 pang ‘pastorals’ na ‘nabiktima’ ni Quiboloy nagsumbong

DAVAO CITY- Sinabi ni Davao City Police Office chief Police Col. Hansel M. Marantan na limang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang lumantad kamakailan upang isiwalat ang umano’y panggagahasa sa kanila ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Inihayag ni Marantan sa isang press conference nitong Huwebes na makipag–ugnayan sa kanya ang mga biktima na dating “pastorals of the innermost circle” bago sila umalis sa KOJC, kasunod ng Senate investigation, in aid of legislation, sa police operations sa KOJC compound na isinagawa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong Setyembre 7.

Aniya, ang mga umano’y biktima– dalawa ang nakausap niya nang harapan habang ang tatlo ay sa pamamagitan ng video conference – ay umiiyak habang ibinabahagi kung paano sila sekswal na inabuso sa edad na 13.

“They were shaped and they were brainwashed and indoctrinated, until such time that they accepted their fate. Pero mali ‘yan under the law. If sexually molested – minor at that – it is equivalent to violation under the law,” giit ng opisyal.

Inihayag naman ni Israelito Torreon, lead counsel ng KOJC, na hindi pa niya nabeberipika ang mga pahayag at pagkakakilanlan ng umano’y mga biktima sa city police director kaya hindi niya matukoy kung totoo ang mga akusasyon o hindi “to smear the good name and reputation” ni Quiboloy.

“I pray that the PNP (Philippine National Police) would handle the investigations of these new alleged cases with care and professionalism and not subject the same to much publicity owing to the high possibility that these alleged new complainants may have been influenced only by some forces whose aim is not to obtain justice but to score much-needed political points,”wika niya.

“Magaganda po sila at may mga lahi po sia. Mga lahi nila European and American, hindi ko na alam kung anong mga lahi pa. They are very beautiful,” paglalahad ni Marantan.

Ani Marantan, ang “carnal knowledge” sa biktima ang “final rites” bago maging “pastorals of the innermost circle” na aniya ay mas maraming pribilehiyo kumpara sa ibang other KOJC members, at namumuhay bilang “queens and princesses.”

Ayon pa sa opisyal, nais nang magsumbong ng mga biktima nang umalis sila sa KOJC subalit natakot umano ang mga ito.

“You know what’s the common situation among the victims? They all come from broken families. Those, who fit the standards of Quiboloy, kinuha niya and prepared them to be pastoral, and became ‘innermost circle,’” sabi pa ng opisyal.

“If there is a violation, kunyari sinabi mo na they are sexually molested by Quiboloy, papasok na ‘yung ‘Angels of Death’ to ‘get even,’ and ‘to get even’ means papatayin ka at pati ‘yung mga genes line mo, ‘yung mga magulang mo, mga kapatid mo,” aniya pa. RNT/SA