MANILA, Philippines- Paulit-ulit umanong minolestiya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy ang mga babaeng 12 hanggang 13 taong gulang sa pamamagitan ng pangakong ang mga sekswal na aktibidad na ito ang makapagdadala sa kanila sa langit, base sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, base sa umanoy’ rebelasyon ng iba pang mga biktima.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na kasabay ng sexual assault ang banta na mananagot sila sa “angels of death” kapag may pinagsabihan sila ng nangyari.
“So you could just imagine a minor being threatened of death if she would break the code of secrecy of her ordeal at the hands of Apollo Quiboloy. And these are all children,” wika ni Fajardo.
“I just don’t know if these angels of death are literally goons of Quiboloy or it is just a figure of speech to threaten the children. These will all be part of our investigation,” dagdag niya.
Ayon kay Fajardo, base umano sa alegasyon ng mga biktima, paulit-ulit umanong isinagawa ang sexual assault kung saan ini-iskedyul ang mga bata upang makipagkita kay Quiboloy.
“These were done repeatedly. A certain minor is for Monday, another is for Tuesday, and another one for Wednesday and so on. You can just imagine a 12 year old kid, I don’t know,” paglalarawan ni Fajardo sa testimonya ng mga biktima.
Nauna nang inihayag ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na lumabas sa bilang ng mga bata at mga magulang na sumangguni sa mga pulis sa 16-day operation sa KOJC compound sa Davao City ang kanilang sinapit sa mga kamay ni Quiboloy.
Nahaharap si Quiboloy sa kasong child abuse sa Quezon City Regional Trial Court at human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court.
Wanted din si Quiboloy sa Federal Bureau of Investigation sa United States sa iba’t ibang kaso kabilang ang Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Conspiracy; at Bulk Cash Smuggling.
Pinalagan naman ng abogadong si Mark Tolentino ang PNP sa pahayag ng huli ukol sa nadiskubre umano nitong mga kasalanan ni Quiboloy.
“I’m sure they’re planted, manufactured. Let them prove their case because the accused is presumed innocent,” giit ni Tolentino.
“Allegation is not equivalent to guilt,” dagdag niya.
“He (Quiboloy) is kind and humble. He’s like an ordinary person when you speak to him but full of God’s wisdom,” ani Tolentino.
“Even at one percent, Pastor Quiboloy is not capable of doing that. So all those allegations are fake. So I hope that we give Pastor (Quiboloy) due process, the opportunity to explain,” patuloy niya. RNT/SA