Home NATIONWIDE Pangalan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ‘di pa tatanggalin ng Comelec sa...

Pangalan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ‘di pa tatanggalin ng Comelec sa balota

MANILA, Philippines – Hindi pa tatanggalin sa balota ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro bilang kandidatong Congressman ng 2nd District.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, mananatili pa ring kandidato si Teodoro hanggang hindi pa pinal ang desisyon ng En Banc.

Ayon pa kay Garcia, maaari pang maghain si Teodoro ng kanyang apela para kwestyunin ang naging desisyon ng 2nd Division ng Comelec.

Si Teodoro ay diniskwalipika ng Comelec matapos kwestyunin ni Senador Koko Pimentel ang residency ng alkalde sa ikalawang Distrito ng Marikina. Jocelyn Tabangcura-Domenden