Home NATIONWIDE Pangalan ni Sen. Imee sa balota masasapawan ni Francis Leo Marcos –...

Pangalan ni Sen. Imee sa balota masasapawan ni Francis Leo Marcos – Comelec

MANILA, Philippines – Mauuna sa opisyal na balota ang pangalan ni Francis Leo Antonio Marcos para sa midterm election sa Mayo bago ang pangalan ni re-electionist Senator Imee Marcos, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairma George Erwin Garcia, ang pangalan ni “Marcos, Francis Leo” ay mailalagay bago ang “Marcos, Imee” dahil ang mga pangalan sa balota ay alphabetical order.

Noong Martes, naglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) laban sa Comelec at desisyon nito sa pagdedeklara kay Francis Leo Marcos bilang nuisance senatorial candidate.

Sinabi ni Garcia na ang TRO ang nag-udyok sa kanila na iutos ang muling pagbilang ng mga kandidato para sa pambansang posisyon.

Pansamantala, sinabi ni Garcia na si Francis Leo Marcos ay lehitimong kandidato alinsunod sa TRO ng Korte Suprema.

Nakatakdang muling mag-imprenta ng mga balota ang Comelec sa sabado. Mag-iimprenta ito ng 73 milyong balota para sa may 12,2025 national at local elections (NLE) at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao parliamentary elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)