Home OPINION SI TRUMP, CHINA AT ‘PINAS

SI TRUMP, CHINA AT ‘PINAS

NABIGYANG pag-asa ang mga Kano at ang buong mundo sa muling pagkapanalo at pormal na pag-upo ni Donald Trump bilang pangulo ng ‘Tadong Unidos este Estados Unidos.

“Minuto” pa lang matapos manumpang ika-47 pangulo, halos 200 ‘executive orders’ ang nilagdaan ni Trump na ang karamihan ay para “baklasin” ang mga mapanira at walang kabuluhan na mga polisiya ng Amerika sa 4-taong walang kuwentang termino ni Joe Biden.

May ‘state of emergency’ na ngayon sa ‘US southern border ‘ at mga teroristang grupo na rin ngayon ang ‘drug cartels,’ mga hakbang upang matigil na ang ‘invasion’ ng ‘illegal immigrants’ at mabawasan ang malawakang karahasan sa Amerika dahil sa away ng mga sindikato ng droga. ‘Stop’ na rin ang ‘DEI’ at pagtutulak ng mga ‘Democrats’ na bukod sa babae at lalaki, mayroon pang ibang kasarian ang tao.

Apektado rin siyempre ang relasyon ng ‘Pinas, China at Amerika dahil nilinaw ni Trump na gusto niyang ‘legacy’ ay matawag na ‘peace maker.’

Translation? Ayaw niya ng giyera at uunahin niyang ayusin ang relasyon ng US at China. Sa katunayan, inaayos na ang bagong ‘state visit’ ni Trump sa China at pagkatapos nito, ‘Summit Meeting’ naman kay Russian President Vladimir Putin.

“Problema” ito sa mga mahilig “mang-urot” sa loob at labas ng ating gobyerno na makipaggiyera tayo sa China dahil ito ang “gusto” ng gobyerno ni ‘Dementia Joe’ Biden. Paano ‘yan, iba na ang ating “among” Amerikano na ayaw nga ng giyera?

Hmm. Mukhang si Trump pa ang ating kailangan upang maisip ng gobyerno na hindi away, bagkus, diplomasya, ang tamang daan upang maresolba ang sigalot natin sa China.

Abangan!