
IBA talaga kapag umatake ang sobrang stress. Masama ang epekto nito sa ating pisikal na pangangatawan at pag-iisip dahil maaari itong magdulot ng depresyon at kamatayan kung hindi agarang masosolusyunan.
Ayon sa World Health Organization, tinatayang nasa 5% ng adult sa buong mundo ang dumaranas ng depresyon kung saan mas malaki ang porsyento na apektado ang babae kaysa lalake. Pwedeng humantong sa suicide ang taong dumaranas nito.
Mabuti na lamang at may batas na pinaiiral sa ngayon tulad ng RA 11036 o Mental Health Act sa pangunguna ng Department of Health. Nandiyan din ang mga organisasyong katuwang ng pamahalaan at patuloy na nagmamalasakit sa ating mga kababayan tulad ng UDRiVE Group of Coaches.
Bilang advocate ng mental health, madalas ang ating pakikipag-ugnayan sa UDRiVE sa pagpapalaganap ng mga kampanya laban sa depresyon at seryosong matutukan at magabayan ang mga dumaranas nito.
Sa katunayan, naglunsad na naman ang grupo ng mga bagong proyekto at isa sa mga ito ay ang gaganaping conference at sunod-sunod na training sa darating na February 3 – 8, 2025 sa Pasig City. May tema ito na “Building Resilient Communities Through Trauma-Informed Care”.
Ngayon pa lang ay excited na ang inyong lingkod dahil isa tayo sa magiging kalahok para makadaupang-palad natin ang isa sa mga sikat na speaker sa Amerika sa larangan ng trauma-informed care na walang iba kundi si Dr. Robert Rhoton na nagmula pa sa Arizona Trauma Institute.
Kasama din sa mga lecturer ang dalubhasang si Dr. Maria Asuncion Silvestre, Coach Poy de Lara ng UDRiVE at marami pang iba. Aba, hindi karaniwang certificate ang matatanggap ng mga magrerehistro at makatatapos ng programa.
Alamin na lang natin ang proseso nang pagrerehistro at pagbibigay suporta sa malakihang conference na ito sa Facebook page ng UDRive Group. Maaari n’yo ring hanapin ang detalye sa www.udrivegroup.org.
Kaya magkita-kita tayo dear readers at samahan n’yo kami sa pag-aaral at pagpapalaganap ng adbokasiyang ito na magliligtas sa kapahamakan ng ating mga kababayan mula sa mapamuksang depresyon.
Kaya para sa inyo Dr. Rhoton, Poy De Lara, Arra Diño, Sheena Valencia, Rowi Rizala, Stephanie Letrondo, Javi Manuel, Monica Tawide, Rona Rima, volunteers, officers and staff, sponsors and speakers, MABUHAY!