Home NATIONWIDE Pangangalaga sa protected areas, tutugon sa pagkasira ng biodiversity

Pangangalaga sa protected areas, tutugon sa pagkasira ng biodiversity

Nagsilbing guest speaker Si Senador Cynthia Villar sa 19th Annual General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women (PFLCW) na idinaos sa Seda Hotel noong Hunyo 6 (Huwebes). Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hinikayat ng isang mambabatas ang komunidad na pangalagaan ang protected areas sa nasasakupan upang maiwasan ang pagkasira, pagka-ubos at pagkawasak ng biodiversity sa bansa.

Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Senador Cynthia Villar ang kahalagahan ng innovative approaches at collaborative efforts upang alagaan ang ating protected areas at palakasin ang komunidad.

“Through efficient collaboration and embracing new technologies, we can strengthen our ecosystems and communities, securing a better future for all,” ani Villar sa kanyang talumpati sa 3rd National Protected Area Conference na inorganisa ng DENR–Biodiversity Management Bureau (BMB).

Idinaos sa Quezon City ang event na may temang “Building Resilience of People and Ecosystems Through Innovations and Enhanced Collaboration in Protected Area Management.”

Bago naisabatas ang National Integrated Protected Areas System Act of 1992” o ang NIPAS Act, marami nang naideklaralang national parks na nasa papel lamang ang proteksiyon.

Ipinatayo ang may 13 ecologically important areas sa pamamagitan ng individual legislations samantalang ang iba ay patuloy na pinangangasiwaan ng “initial components of the system”

“Through the years, the establishment of protected areas by legislative action under the NIPAS Act of 1992 became few … due to exploitation and other profound impact of human activities and on all components of the natural environment,” sabi pa ni Villar.

Binigyan diin niya na kailangan i-secure ng present at future generations ang “perpetual existence” ng lahat ng mga native na halaman at mga hayop.

Nang maging Chairperson ng Senate Environment Committee noong 17th Congress, isinulong niya ang pagsasabatas ng “Expanded NIPAS Act of 2018. Kabilang dito ang legislation ng 94 protected areas.

Sa 18th Congress, may pitong pang PAs ang naisabatas na kung kaya’t meron na tayong 114 total legislated PAs sa bansa.

“In the 19th Congress, I am currently defending the legislation of 10 more PAs plus the bill seeking to expand the coverage area of the Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP), a Wetland of International Importance under the Ramsar Convention.”

Tiniyak din ng senador ang pondo at availability ng mga paraan. Ernie Reyes