Home NATIONWIDE Panggap na abogado arestado ng NBI

Panggap na abogado arestado ng NBI

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki na natanggap umanong abogado matapos siyang ireklamo ng dating kliyente sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa NBI, matagal nang nagpapanggap na abogado ang suspek na inaresto ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) sa courtroom.

“In fact, kilala nga siya ng mga security doon sa Hall of Justice kanina. Nung ininquest siya kilala siya doon kasi nag-aappear siya doon nagpapakilala siyang abogado,” sabi ni NBI-OTCD chief Jerome Bomediano.

Ayon pa kay Bonodiano naglabas ng certification ang Korte Suprema na ang roll number ng lalaki ay nakapangalan sa ibang tao.

Sinabi ng NBI na iba ang pangalan na ginagamit ng lalaki sa kanyang mga government ID.

“Ginagamit nya 1954 bar passer pa. Napakatagal na noon at patay na yung abogado na yun. Pag hiningian mo siya ng any ID at certification na talagang lawyer siya wala siyang maipakita,” sabi ni Bomediano.

“Since 1994, I am religiously in practice then comes the 2000 EO (Executive Order), the computerization in all courts. There is human error during the computerization,” sabi naman ng suspek.

Sinabi ni Bomediano na may implikasyon ang mga kaso na hinahawakan ng suspek kung mapatunayan ng korte na pekeng abogado ito.

“Yun ang subject ng follow up investigation natin i-checheck natin kung anu anong cases na nag appear siya,” ani Bomediano.

Sinabi ng suspek na kukuha ito ng sariling abogado na hahawak sa kanyang kaso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)