Home NATIONWIDE Panggap na NBI kasabwat arestado

Panggap na NBI kasabwat arestado

MANILA, Philippines – Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpanggap na tauhan ng nasabing ahensya kasama ang kanyang mga kasabwat sa entrapment operation sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Zambales.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang pekeng NBI agent na si Lamberto Mariano Magalong Jr. alayas Lucky Magalong at kasabwat na si Ramel Murciano.

Ayon kay Santiago, isang mapagkakatiwalaang informant ang nagbunyah na isang Luckyagalonh na nagpakilalang NBi agent at hinihiling sa kanya ang mga pangalan at numero ng telepono ng mga smuggler ng sigarilyo sa lalawigan ng Zambales, para mangikil ng pera sa kanila bilang protection money.

Nagbigay naman NBI Olongapo District Office (NBI-OLDO) ng numero ng isang cigarette smuggler .

Kasunod nito ay tumawag si Magalog sa undercover agent at nagpakilalang NBI agent at humihingi ng P10,000 bilang goodwill money at P50,000 kada linggo bilang protection money.

Nagbabala rin si Magalong sa undercover agent / Cigarette smuggler na sasalakayin ang cigarette smuggling business ng undercover agent kapag hindi tumupad sa hinihinging Pera.

Sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) din ang hiniling ng pekeng agemt kung saan sila magkita at ideliber ng undercover agent ang hinihinging P10,000.

Agad na ikinasa ang entrapment at base sa direktiba ni Santiago, at inaresto ang suspek habang iniaabot ang nasabing halaga at marked money kasama ang kanyang kasabwat na si Murciano.

Kakasuhan ng Usurpation of Authority ng Revised Penal Code (RPC) ang mga suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)