MANILA, Philippines – Aabot lamang sa 4.18 milyon mula sa 10.76 milyon na magsasaka sa buong bansa ang mabibiyayaan ng ₱10-billion Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk na pawang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (DA-RSBSA) sa Department of Agriculture (DA).
Ganito ang pahayag nang pagkadismaya ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, matapos matuklasan na tanging 60 porsiyento ng kabuuang bilang ng magsasaka at mangingisda sa bansa ang mabibigyan ng ayuda.
“Frontliner food soldiers sa krisis ang ating mga magsasaka at mangingisda. Sandata nila ang agarang tulong-pangkabuhayan para tuloy-tuloy silang makapagbungkal ng lupa at makapaglayag, at tuloy-tuloy din nilang maipaglaban ang pagkain sa bawat hapag-kainang Pilipino,” ani Pangilinan.
Sa harap ng 60% gap, nanawagan si Pangilinan na ibahagi ang ilang pondo na nakalaan sa FY 2026 General Appropriations Act, kabilang ang ₱63.845-billion Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC), ₱21.283 billion TUPAD, at iba pang emergency cash aid programs sa kabuuan nang nakarehistro sa DA-RSBSA.
Aniya: “TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) is DOLE’s short‑term, community‑based emergency employment program for disadvantaged, displaced, underemployed, and seasonal workers.”
“As it is, marami pang wala sa registry. As it is, marami na sa kanila ang hirap, wala pa man ding sigalot sa Gitnang Silangan. Kapag tiniyak natin ang kanilang kabuhayan, tinitiyak din natin ang food supply ng buong bansa,” ayon sa hepe ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform.
Nanawagan din si Pangilinan ng mas mahigpit na inter-agency coordination at kooperasyon sa sa pagpapalawak ng assistance coverage, saka hinikayat ang ilang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD, which handles Protective Services), DOLE (which handles TUPAD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), at Department of Agrarian Reform (DAR) na paluwagan ang paghahatid ng ayuda.
“Kailangang magsanib-puwersa ang DSWD, DOLE, DILG, DA, at DAR para mapabilis at mapalawak ang pag-abot ng tulong, gamit ang mga programang tulad ng TUPAD, AICS, at iba pang cash assistance,” ani Pangilinan.
“Simple ang layunin ng mas maayos na koordinasyon: Mas maraming pamilya ang matutulungan at mapo-protektahan natin ang seguridad sa pagkain ng bawat Pilipino,” ani Pangilinan
“Because to secure our food, we must secure our food producers,” patapos ng senador. Ernie Reyes