Home METRO Panibagong balasahan sa PNP gumulong

Panibagong balasahan sa PNP gumulong

160
0

MANILA, Philippines- Magkakaroon ng bagong commanders ang dalawang police districts sa Metro Manila sa pinakabagong balasahan sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na nilalayon ng pinakabagong balasahan sa apat na senior police officials na ilagay ang tamang senior officers sa mga posisyong akma sa kanila.

Tulad na lamang ni Police Brig. Gen. Rizalito Gapas na nakapanungkulan na sa loob ng sapat na panahon bilang direktor ng Northern Police District (NPD) at kailangan nang ilagay sa posisyong magreresulta sa pagtaas niya sa susunod na ranggo.

Itinalaga si Gapas bilang deputy commander ng Area Police Command- Northern Luzon ng PNP, isang two-star rank post.

Papalitan si Gapas ni Police Col. Josefino D. Ligan bilang direktor ng NPD na saklaw ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Samantala, pinangalanan naman si Police Brig. Gen. Wilson Asueta bilang deputy commander ng Area Police Command- Southern Luzon ng PNP.

Si Police Col. Villamor Tuliao ang hahalili sa kanya bilang direktor ng Eastern Police District na saklaw ang Pasig City, Mandaluyong, San Juan at Marikina. 

Epektibo ang balasahan ngayong Sabado, Oktubre 19. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here