Namataan ng mga lokal na mangingisda ang panibagong mga floating shabu na nagkakahalaga ng P104,720,000 sa dagat na sakop ng Cagayan. DANNY QUERUBIN
MANILA, Philippines – Namataan ng mga lokal na mangingisda ang panibagong mga floating shabu na nagkakahalaga ng P104,720,000 sa dagat na sakop ng Cagayan.
Nitong Lunes, Hunyo 16, nabingwit ng mga mangingisda ang sako na naglalaman ng 15 plastic packs ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 kilo na nagkakahalaga ng P102,000,000 sa territorial waters ng Babuyan Island at Gonzaga, Cagayan.
Bago nito ay may natagpuan ding 400 gramo ng shabu package na nagkakahalaga ng P2,720,000 sa dagat na sakop ng Camiguin Island at Cape EngaƱo, Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan. RNT/JGC