MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng The Netherlands ang hirit na asylum ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa ngayon ay nasa Germany si Roque at posibleng doon mag-apply ng asylum.
Sa ngayon ay inaaral aniya ng Germany ang kaso ni Roque.
Nang matanong naman si Remulla kung legal ba ang magpalipat-lipat ng bansa si Roque, sinabi ng kalihim na posible ito basta’t may visa dahil may open borders ang European Union.
Si Roque ay kabilang sa may arrest warrant dahil sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng illegal POGO na Lucky South 99.
Samantala, itinanggi naman ni Roque ang pahayag ni Remulla at sinabing mayroon lamang siyang pinuntahan sa Germany at pabalik na muli siya sa Netherlands. Teresa Tavares