MANILA, Philippines- Isa na namang petisyon ang isinampa sa Supreme Court (SC) laban sa concession agreement lpara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Public-Private Partnership (PPP) Project o ang paglilipat ng pangangasiwa ng airport sa New NAIA Infra Corporation (NNIC) ng San Miguel.
Naghain sa SC ng petition for certiorari or prohibition sina Attys Rico Domingo at Ceasar Oracion na humihiling na magpalabas ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction.
Kabilang sa mga respondent ay ang Department of Transportation, Manila International Airport Authority, ang Pre-Qualification, Bids and Awards Committee para sa NAIA PPP Project, PPP Governing Board, at NNIC.
Ayon sa mga petitioner, nakagawa ng grave abuse of discretion ang mga respondent dahil sa itinuloy na bidding process para sa NAIA PPP project sa ilalim ng Build-Operate-Transfer (BOT) Law.
Iginiit ng mga petitioner na ipinatupad ang project nang walang konsultasyon at kahit hindi aprubado ng Sanggunian.
Nitong Abril lamang ay naghain din ang ilang abugado ng petisyong kumukwestiyon sa concession agreement para sa NAIA PPP Project. Teresa Tavares