Home ENTERTAINMENT Panukala ni Padilla sa proteksion ng endorser, tablado kay Escudero: ‘Batas sapat’

Panukala ni Padilla sa proteksion ng endorser, tablado kay Escudero: ‘Batas sapat’

260
0

MANILA, Philippines- Mistulang ibinasura ni Senate President Francis Escudero ang panukalang batas ni Senador Robin Padilla na magbibigay ng proteksion sa sinumang celebrity endorser laban sa investment scam ng produktonmg kinasasangkutan ng artista.

Snabi ni Escudero na walang pangangailangan na bisitahin ang batas hinggil sa securities sa gitna ng kaso laban sa ilang celebrity endorsers ng isang aesthetic company.

“Personally, wala ako nakikitang pangangailangan,” ayon kay Escudero sa ginanap na Kapihan sa Senado hinggil sa panukalang bisitahin ang securities law.

“Para sa akin sapat yung batas. Ihiwalay mo ang ordinaryong endorser sa endorser na partner pa. Ang alegasyon ay maliban sa endorser-partner bahagi kasama sa korporasyon o kumpanya,” dagdag niya.

Sinabi ni Escudero na kinasuhan ang mga artista dahil inaakusahan silang bahagi o may-ari ng kompanya pero hindi bilang endorser.

“A mere endorser should not be liable to any scams that will happen doon sa restaurant, o doon sa negosyo o doon sa business,” wika ng senador.

Kamakailan, naghain si Padilla ang Senate Bill No. 2889 na magbibigay proteksion sa endorser na nasangkot sa isyung legal sa investment scams.

Sa kabila ng kanyang posisyon, sinabi ni Escudero na bukas siya upang pag-aralan ang panukala ng sinumang miyembro ng Kongreso.

“Kung iba ang pananaw ng mga kasamahan ko rito, mga miyembro ng Kongreso, bukas ang aking isip na pag-aralan at tingnan muli, baka naman may hindi ako nakikita,” ayon kay Escudero.

Sa naturang forum, binanggit din ni Escudero na pinarerebyu ng kanyang kabiyak, si Ms. Heart Evangelista ang anumang kontrata na pinapasukan nito bilang endorser.

“Pinapa-review sa akin nu’ng asawa ko ‘yung mga pinipirmahan niya pero walang bayad yung attorney’s fees. Wala naman mawawala na maging maingat sinuman… Huwag masyadong manggigil ika nga dahil lamang may malaking kita na nakaamba sa kanila,” ayon sa Senate president. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here