Manila, Philippines- Oops! Dinenay ng aktres na si Rhian Ramos na ex boyfriend nito ang aktor na si JC de Vera.
Sa interview nito sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi nakalusot ang aktres sa pang-uusisa ni Tito Boy kung naging sila nga ba ni JC.
According to Rhian, bata pa siya nang una niyang makatrabaho si JC like around 16-17 years old kaya naman kung tatanungin daw sila noon, for sure, ang magiging sagot nilang dalawa, eh, they were boyfriend/girlfriend before.
Kung iisipin naman daw ngayon, naku, mukhang “puppy love” lang naman daw ‘yụng noon considering na they both know what a real or serious relationship is, now that they’re both mature and grown up.
Kahit umano sa presscons, kapag natatanong ang dalawa, halos hindi na nila maalala kung naging mag-ex ba sila o hindi.
Well, wala namang issue, gusto lang siguro talagang malinawan ng netizens sa kung ano nga ba ang namagitan sa dalawa lalo na ngayon that they worked together for the film ‘Huwag mo ‘kong Iwan’ by Joel Lamangan starring Rhian Ramos, JC de Vera, and Tom Rodriguez.
Anyway, bukod sa totoong namagitan sa kanila ni de Vera, ibinahagi rin ni Ramos sa netizens ang beauty secret nito.
It’s very simple netizens, she’s keeping herself stress free by surrounding her life with the best people.
Right. Leave those toxic people behind!
I mean, what can you say about this? Leave your comments below! Paula Jonabelle Ignacio